WALO sa 10 Pinoy ang naniniwala na ang mga pasaway ang dahilan ng pagkalat ng Covid-19 sa bansa, ayon sa survey ng Social Weather Stations (SWS).
Sa isinagawang survey mula Abril 28 hanggang Mayo 2, lumalabas na 79 porsyento sa 1,200 respondents ay naniniwala na ang mga lumalabag sa mga health protocols gaya ng hindi pagsusuot ng mask, paghuhugas ng kamay, at physical distancing ang dahilan ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.
Samantala, 11 porsiyento naman sa mga respondent ang nagsabing ang kawalan ng kahandaan ng pamahalaan ang sanhi ng pagkalat ng pandemya.
Para sa natitirang 10 porsyento, ang mga bagong variant ang sanhi ng pagtaas ng kaso ng sakit.–WC