Dating pari binoga sa mukha, todas


BINARIL at napatay ng mga hindi nakilalang salarin ang dating pari na naging high-ranking official ng New People’s Army sa Pilar, Camotes Island, Cebu.


Ayon sa ulat, nagpapahinga si Rustico Luna Tan, 80, Biyernes ng gabi nang barilin siya sa mukha ng mga suspek.
Inaalam pa ng pulisya ang motibo sa insidente pero naniniwala sila na may galit sa biktima ang nasa likod ng pagpatay.


Napag-alaman na umalis sa pagpapari si Tan upang sumapi sa NPA maraming taon na ang nakaraang.


Naging political detainee at peace negotiator para sa National Democratic Front din si Tan.


Dalawang beses din umano siyang kinasuhan dahil sa pagpatay pero pinawalang-sala.


Bago napatay, abala sa pagsasaka sa Camotes Island ang biktima.