BIBIGYAN ng P100,000 financial assistance ang mga eskwelahan na paso sa limited in-person classes, ayon sa Department of Education.
“All schools which will be part of our pilot implementation will receive financial assistance worth P100,000 so that amount can help for their preparation and continuity of [this] pilot implementation,” pahayag ni Education Assistant Secretary Malcolm Garma.
May 272 public at 18 private schools sa buong bansa ang kabilang sa pilot implementation ng limited face-to-face classes.
Plano ng DepEd na dagdagan pa ang mga eskwela na papayagan ang limited face-to-face classes sa mga susunod na buwan lalo na kung mas gaganda pa ang sitwasyon kontra sa coronavirus disease.