Eroplano bumagsak sa El Nido, Palawan

ISANG Cessna private plane ang bumagsak sa karagatan na sakop ng El Nido, Palawan, Biyernes ng hapon.

Nailigtas naman ang dalawang piloto na sakay ng aircraft RPC979, CESSNA 206 type private plane na pag-aari ng Aerohub, nang matagpuan itong palutang-lutang alas-3 ng hapon sa parte ng barangay Tinegueban.

Galing ang eroplano sa San Vicente Airport ala-1 ng hapon at patungo sana sa Sangley Point sa Cavite nang bigla na lamang umanong huminto ang engine nito.

Sakay ng eroplano ang mga bagong huling isda.