INAPRUBAHAN ni Pangulong Duterte ang rekomendasyon ng Department of Budget and Management (DBM) na mamahagi ng P1,000 halaga ng “in-kind” na tulong kada indibidwal na maaapektuhan ng enhanced community quarantine (ECQ).
Ayon kay Budget Secretary Wendel Avisado, kada indibidwal ay makakakuha ng P1,000 halaga ng “in-kind” na tulong pero hindi hihigit sa P4,000 ang matatanggap ng isang pamilya.
Kinumpirma naman ni presidential spokesperson Harry Roque ang nakatakdang pamimigay ng ayuda.
Aabot sa 22.9 milyon na taga-Metro Manila, Bulacan, Rizal, Cavite at Laguna, kung saan umiiral ang ECQ, ang inaasahang mapagkakalooban ng tulong.