Pagbabakuna sa taga-Maynila na may comorbidities simula na

SIMULA ngayong araw ay babakunahan kontra-Covid-19 ang mga residente ng Maynila na may comorbidities o pre-existing medical conditions.


Ayon kay Mayor Isko Moreno, tanging mga nasa pagitan ng edad na 18 at 59 na may comorbidities ang babakunahan.


Mga bagong natanggap ng lokal na pamahalaan na batch ng Sinovac vaccine ang gagamitin sa mga ito, dagdag ng alkalde.


Base sa mga pag-aaral, malala ang magiging epekto ng Covid-19 sa mga taong may comorbidities, gaya ng chronic respiratory disease, hypertension, cardiovascular disease, at diabetes, kaya sila ang dapat isunod sa pila ng mga babakunahan matapos ang matatanda at frontliners.