INILABAS ng Department of Budget and Management (DBM) ang P1.04 bilyon para pondohan ang pamamahagi ng special risk allowance (SRA) ng mga healthcare workers.
“We understand and recognize the selflessness and immense sacrifice that our health workers continue to pour out throughout these turbulent times. Isa po itong paraan sa pagkilala sa kanilang sakripisyo,” sabi ni Budget Secretary Amenah Pangandaman.
Popondohan nito ang mga benepisyo ng may 55,211 healthcare workers mula Setyembre 2020 hanggang Hunyo 2022.
Samantala, hinihintay pa ng Department of Health (DoH) ang P11.5 bilyong pondo para sa hindi pa nababayarang Health Emergency Allowance ng mga healthcare workers mula Enero hanggang Hunyo 2022.