SINIGURADO ng mga oxygen manufacturers na may sapat na supply ang bansa sakaling manalasa ang Delta variant ng Covid-19.
Ayon sa Department of Trade and Industry, umaabot sa mahigit 600 metric tons ang kapasidad ang mga manufacturers kada araw kumpara sa 205 metric tons na pangangailangan sa kasalukuyan.
Kinumpirma ito ng Linde Philippines, manufacturer ng oxygen products sa Pampanga.
“We currently do 6,000 cylinders per day. In the event we need more medical oxygen, we can produce another 6,000. We can double the production,” ani Linde Philippines President Raymond Santayana.
Tiniyak din ni Santayana na kahit dumoble o magtriple ang pangangailangan ay kaya niang magsuplay ng oxygen at oxygen tanks.
Sinabi naman ni DTI Sec. Ramon Lopez na nanawagan na sila sa Department of Health na mag-imbak na ito ng mga cylinder at mga regulator na kakailanganin sa pag-manufacture ng oxygen tank.