CASH incentive ang naghihintay sa mga Filipino workers na nagtatrabaho sa Hong Kong na magpapabakuna, ayon sa Philippine Overseas Labor Office.
Sa virtual briefing ni Labor Attaché Melchor Dizon, tatanggalin na rin ng Hong Kong government ang travel ban na inisyu nito sa Pilipinas bukas, Agosto 9. Ibig sabihin, maari na muling makapasok sa nasabing bansa ang 3,000 stranded OFWs basta bakunado.
“We encourage our fellow Filipinos here in Hong Kong and those stranded in the Philippines to have themselves vaccinated against COVID-19. Otherwise, you will not be allowed entry in Hong Kong. This is also for your protection,” ayon kay Dizon.
Sinabi rin ni Dizon na sa 220,000 OFWs na nasa Hong Kong ngayon, wala pa umanong 50 porsyento ang nagpabakuna kahit may iniaalok na insentibo ang pamahalaan para sa mga bakunado at sa kabila ng sapat na suplay ng bakuna at maaaring makapamili ang gustong magpa-vaccine.
“Marami pong bakuna dito, at pwede pong mamili kung ano ang gusto nyong ibakuna sa inyo. Mayroon din pong incentive sa mga magpapabakuna, kasama ang ating mga OFWs,” dagdag pa ng opisyal.