HINDI malayong pumalo sa 3,000 hanggang 4,000 ang bagong kaso ng coronavirus disease sa unang araw ng taon, ayon sa OCTA Research.
Ito ay bunsod ng pagtaas ng positivity rate na naitala sa 21 percent.
“The positivity rate in the NCR [National Capital Region] jumped to 3.18. This projects to about 3,000 new cases in the NCR on January 1 and about 4,000 in the country,” ayon sa tweet ni OCTA Research fellow Guido David.
Nananatili sa moderate risk ang Metro Manila base na rin sa metrics ng research group.
Kahapon ay inilagay ng Malacanang ang Metro Manila sa Alert Level 3 simula Enero 3 hanggang 15 dahil sa pagtaas ng banta ng Omicron variant.