Hollywood actress Betty White pumanaw sa edad na 99

PUMANAW ang Hollywood actress na si Betty White bisperas ng Bagong Taon sa kanyang tahanan. Siya ay 99-anyos.

Ang Emmy-award TV icon na nakilala sa mga series na “The Golden Girls” at “Mary Tyler Moore Show” ay sumakabilang-buhay habang tatlong linggo bago ipagdiwang ang kanyang ika-100 kaarawan.

Magdidiwang sana ng kanyang ika-100 birthday si White sa Enero 17, at ayon sa kanyang agent na si Jeff Witjas, pinaghahandaan umano ito ng aktres.

Gayunman, naniniwala anya siyang hindi pinanghihinayangan ng aktres na hindi makaabot sa kanyang birthday dahil excited din itong makapiling ang yumaong asawa.

“I don’t think Betty ever feared passing because she always wanted to be with her most beloved husband Allen Ludden. She believed she would be with him again,” ayon kay Witjas sa isang kalatas.

May limang Primeime Emmy awards ang meron si White at isang competitive Daytime Emmy, bukod pa sa lifetime achievement Daytime Emmy noong 2015. May pitong dekada rin ang inilagi ni White sa mundo ng showbiz.

Bukod sa pagiging aktres, isa ring animal rights activist si White.