OCTA HUMIRIT NG 1-WEEK EXTENSION SA ECQ

INIREKOMENDA ng OCTA Research ang isang linggong pagpapalawig sa enhanced community quarantine (ECQ) na ipinapaairal sa NCR Plus Bubble sa gitna ng pagtaas ng bilang ng mga kaso ng Covid-19 sa Pilipinas.


“This one week ECQ is certainly not enough. We are definitely not yet out of the woods, and we need an additional week and maybe more,” ani Ranjit Rye ng OCTA.


“We need an additional one week of ECQ at the very least and make a serious assessment after that,” dagdag niya.


Isinailalim ang National Capital Region, Bulacan, Cavite, Laguna, at Rizal sa ECQ noong Marso 29 at magtatagal ito hanggang bukas.


Kahapon ay umabot na sa 771,497 ang kabuuang bilang ng Covid-19 cases sa bansa.