OCTA DUDA NA BABABA SA 5K DAILY COVID CASES

DUDA ang OCTA Research group na bababa sa 5,000 kada araw ang mga kaso ng Covid-19 kahit pa umiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) sa Metro Manila, Bulacan, Cavite, Laguna at Rizal.


Sa isang panayam, sinabi ni OCTA Research fellow Guido David na aabot pa rin sa 10,000 hanggang 12,000 kada araw ang mga bagong kaso.


Gayunman, sinabi ni David na bumababa na ang reproduction rate ng Covid-19 sa National Capital Region na ngayon ay nasa 1.5 na.


Idinagdag niya na posibleng ibaba sa modified ECQ ang quarantine classification sa NCR Plus bubble simula Abril 12 kung aabot ang reproduction rate sa 1.2.


“Pwede naman actually ‘yung one million hindi naman siya nakakaalarma. Kahapon nasa 1.5 ang reproduction number sa NCR inaasahan natin sa second week ng ECQ nasa 1.2 na lang yun,” sabi niya.
Kahapon, sinabi ni David na papalo sa isang milyon ang mga kaso ng Covid-19 sa bana bago magkatapusan ng buwan.