Nueva Ecija governor nadale ng COVID-19

NUEVA EJICA GOVERNOR COVID POSITIVE

Inanunsyo ngayon ni Nueva Ecija Governor Aurelio Umali na nagpositibo siya sa coronavirus disease.

Sa kanyang social media page ginawa ni Umali ang anunsyo na nagpositibo siya sa COVID-19 nitong Marso 21 sa pamamagitan ng Antigen Test.

Anya kasalukuyan siyang naka-isolate sa kanyang bahay bagamat patuloy niyang gagampanan ang kanyang trabaho.

Hinikayat ng gobernador ang kanyang mga kababayan na labanan ang virus sa pamamagitan nang pagsunod sa health protocols na ipinatutupad ng Department of Health at IATF.