Bagong Covid-19 variant kalat na sa MM

covid virus variant

ISINIWALAT ni Health Secretary Francisco Duque III na nasa Metro Manila na ang mga mas nakakahawang UK at South African variants ng Covid-19.

“Pareho ito nakita sa NCR (National Capital Region) at saka din po sa CAR (Cordillera Administrative Region) at pati ang returning overseas Filipinos ay nakitaan din po nang malaking bilang,” sabi ni Duque. Ayon pa sa opisyal, may na-detect din sila na Brazilian variant sa isang sample. Pero, dagdag niya, nananatili pa rin ang Hong Kong variant sa pinakakaraniwang kaso, na may kabuuang 23.5 porsyento.