New record high: 37,207 new COVID cases

PUMALO sa pinakamataas na bilang ng bagong kaso ng coronavirus disease ngayong araw, Enero 14, matapos makapagtala ng 37,207.

Ito ang pinakamataas na bilang ng bagong kaso simula nang magkapandemya noong 2020.

Dahil dito umabot na sa 3,129,512 ang kabuuang bilang ng kaso sa bansa, 265,509 dito ang aktibo at 52,815 ang kabuuang bilang ng mga nasawi.

Umabot naman sa 2,811,188 ang bilang ng mga nakarekober sa virus.