MULING ISASAILIM sa enhanced community quarantine ang Metro Manila at apat kalapit-lalawigan nito simula sa Lunes, Marso 29 hanggang Linggo, Abril 4, 2021.
Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque ang paglalagay sa NCR at mga lalawigan ng Bulacan, Cavite, Laguna at Riza sa ECQ ay hakbang para mapababa ang nakaalarmang patuloy na pagtaas ng kaso ng coronavirus cases sa bansa.
Inanunsyo rin ni Roque na mas pahahabain din ang curfew sa sandaling magsimula na ang lockdown — mula alas 6 ng gabi hanggang alas 5 ng umaga.
Sa ilalim ng ECQm kailangang manatili sa mga tahanan ang mga tao maliban na lamang kung bibili ng mga essential na pangangailangan at emergency.
Samantala ang mga essential workers gaya ng health at emergency frontline personnel, government officials, authorized humanitarian workers, mamamayan na magta-travel para sa medical na kadahilanan , magtutungo sa airport dahil sa biyahe sa abroad, persons crossing borders para sa essential work at silang mga uuwi ng bahay, mga uuwing OFWs ay papayagang lumabas ng bahay.