Sequel ng ‘DOTA o Ako?’ coming soon

SA lahat ng may paki, read on.


Ilalabas ng streaming service na Netflix ang sequel ng kantang “DOTA o Ako?” nina Aikee at Vanessa na sumikat noong 2011.


Ito ‘yung song tungkol sa lalaking nahihirapang hatiin ang kanyang oras between his girlfriend and his love for the online video game.

Sa sequel na may title na “DOTA at Ako: DOTA o Ako 10 Years After,” nag-level up na raw ang relationship nina Aikee at Vanessa.


Same pa rin daw ang konsepto at tune na ginamit sa video pero “enhanced by iconic videoke-style graphics” na.


Chika ni Aikee, hindi niya ine-expect na magkakaroon ng sequel ang likha niyang “gamer’s theme song” after a decade.


“Sobrang saya po ng puso ko dahil nabigyan ulit ng chance ang awiting tumatak sa tao isang dekada na ang nakalipas,” raved ni Aikee.