NANINIWALA ang ilang mga senador na dapat bigyan na rin ng bakuna ang mga menor de edad lalo pa ngayon na halos 30 porsyento and itinaas ng COVID-19 cases ng mga may edad 17 pababa.
Dahil dito, hinimok ni Senador Risa Hontiveros, chair ng Senate committee on women, children, family relations and gender equality, na dapat umaksyon na agad ang pamahalaan sa kung paano tutugunan ang pangangailangan, gaya ng budget and procurement requirements para sa kung anong brand ng bakuna ang ibibigay sa nasabing sektor.
Sa ngayon, tanging Pfizer-BioNtech na brand lamang ang angkop para sa mga may edad 17 pababa.
“So far, the WHO has confirmed that only one brand is suitable for use on people aged 12 and above, and such brand should be made available to the children who are at high risk,” ayon kay Hontiveros.
“We expect our government authority to be diligent and to anticipate needs, including budget and procurement requirements for suitable vaccines, once children are included in our national vaccination program roll out,” dagdag pa nito.
Ayon sa datos ng Department of Health, tumaas ng 29.39 porsyento ang kaso ng COVID-19 sa hanay ng mga batang may ead 17 pababa, na nakapagtala ng 10,358 kaso mula Hulyo 21 hanggang Agosto 3 mula sa 7,993 mula Hulyo 7 hanggang 20.
Maging si Senador Nancy Binay ay naniniwalang dapat mabakunahan na ang mga bata.
Ayon naman kay Senador Sonny Angara, dapat mabigyan ng angkop na pondo ang pagpapabakuna sa mga bata, dahil aniya, hindi ito pasok sa 2021 national budget.