BALIK- enhanced community quarantine ang buong Kamaynilaan simula Agosto 6 hanggang 20.
Ito ang inanunsyo Biyernes ng umaga ng Malacanang bunsod na rin sa banta ng coronavirus Delta variant.
Mananatili sa ilalim ng general community quarantine with heightened restriction ang Metro Manila hanggang Agosto 5.
Sinabi naman ni Health Undersecretary Maria Rosario Veregeire na paiiralin ang nasabing restriction kapwa sa bakunado at hindi bakunado.
Anya, hindi pa napapanahon para magpatupad ng ganitong distinction sa pagitan ng mga bakunado at hindi pa nababakunahan, kasabay ng pag-amin na limitado pa ang vaccine supply ng bansa.
“It is not the time yet to impose this kind of distinction, and it may have legal implications,” paliwanag ng opisyal.