Kambing ni-rape ng matanda, patay

BAGSAK sa kulungan ang 60-anyos na lalaki na nahuling nakikipagtalik sa kambing sa Rawang, Malaysia.


Nahaharap sa kasong committing sexual acts against the order of nature at animal abuse ang suspek.


Ayon sa ulat, narinig ng may-ari ng kambing nqvnag-iingay ang kanyang alaga Miyerkules ng hapon kaya pinuntahan niya ang kulungan.


Nagulat ang may-ari nang makita ang isang matandang nakahubad na ginagahasa ang kambing.


Sinabi ng may-ari na namukhaan niya ang suspek na residente ng katabing bayan.


Tumakas ang suspek pero nahuli ito ng mga pulis habang nagtatago sa gubat.


Napag-alaman na namatay ang kambing dahil sa pangyayari.