Panibagong 1M doses ng Sinovac dumating sa PH

DUMATING ngayong Biyernes ng umaga sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal III ang karagdagang isang milyong doses ng Sinovac vaccine.

Pinangunahan ni Health Secretary Francisco Duque III ang pagsalubong sa mga bakuna na inihatid sa bansa ng eroplano ng Cebu Pacific.

Karamihan sa shipment ay ilalaan sa National Capital NCR Plus, samantalang ang iba ay ipapadala sa mga lungsod na nasa high risk.