UMAPELA ang OCTA Research Group sa pamahalaan na ibalik ang modified enhanced community quarantine matapos pumalo sa mahigit 9,838 ang mga bagong kaso ng Covid-19 kahapon.
Ayon kay Dr. Butch Ong ng OCTA, malaki ang posibilidad ng pagsadsad ng mga kaso kung mas mahigpit na quarantine restriction ang paiiralin.
“A two-week MECQ slowed it down last year, and I think it will slow down the increase this year as well. And then we can open up the economy after,” ani Ong. Ipinunto niya na bumagsak ang bilang ng mga bagong kaso sa loob ng apat na buwan matapos ilagay sa MECQ ang maraming lugar sa bansa.
Naniniwala si Ong na kung magpapatuloy ang maluwag na quarantine restriction, aabot sa 11,000 ang mga bagong kaso ng Covid-19 kada araw pagtungtong ng Abril.