LUMABAG sa Covid-19 protocols ang alkalde ng Obando, Bulacan nang ipagdiwang niya ang kanyang kaarawan kamakailan, ayon sa Department of Health.
Ayon kay Mayor Edwin Santos, nagulat siya nang sorpresahin siya sa kanyang kaarawan ng mga opisyal ng barangay at mga kaibigan na may bitbit na pagkain.
Sinabi ni DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire na dapat ay ipinagpaliban ni Santos ang kaarawan at pinauwi ang mga bisita.
“Based on our protocols, they have violated whatever restrictions we’re imposing right now. Kahit hindi po niya kasalanan, kahit di po niya sinasadya,” ani Vergeire.
“Sinasabi na pumunta lang ang mga tao, sana nabigyan natin ng advise ang ating mga kababayan na umuwi na lang sila at saka na lang sila magse-celebrate,” dagdag ng opisyal.
“This might cause something that can increase transmission in their locality,” ayon pa kay Vergeire.
Pinauubaya na ng DOH sa Department of the Interior and Local Government sa pagpataw ng parusa kay Santos.