IIMBESTIGAHAN ng Department of Health (DOH) ang pgpapabakuna kontra-Covid ni dating Defense Sec. Gilbert “Gibo” Teodoro sa Davao City.
Ayon kay DOH spokesperson Usec. Maria Rosario Vergeire, maglalabas ang regional office ng paliwanag ukol dito.
“We have coordinated with the regional office, sila ay magpapalabas ng paliwanag tungkol dito,” pahayag niya.
Pero, aniya, naniniwala ito na walang nalabag ang regional office sa Davao.
“But nevertheless, kami ay naniniwala na ang regional office sa Davao, they follow our protocol. Titingnan natin kung ano yung ibibigay nilang information para hindi nag-aagam-agam ang ating mga kababayan.”
Ayon kay dating Camarines Sur Rep. Rolando Andaya Jr., na kasama ni Teodoro sa Davao, pasok sa A3 o grupo ng may comorbidity ang dating kalihim.
“Somebody backed out from today’s vaccine candidates. It’s a fixed number per day. Not a free for all,” ani Andaya. –WC