Mas maraming lugar sa PH inilagay sa Alert Level 1

NADAGDAGAN pa ang mga lugar na inilagay sa Alert Level 1 hanggang Mayo 15, 2022.

Sinabi ni Acting Presidential Spokesperson Martin Andanar na kabilang sa mga inilagay na rin sa Alert Level 1 ay ang Nueva Vizcaya sa Regiom II at Misamis Occidental sa Region 10.

Kasama rin sa Alert Level 1 ang Talisay City, Cebu sa Region VII: Talisay City, Cebu at Antipas, North Cotabato at Banga, South Cotabato sa Region XII.