IPINAG-UTOS ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mas mahigpit na quarantine ng mga dumarating sa bansa sa harap ng banta ng bagong Omicron variant.
Base sa kautusan ng IATF, kailangang magpakita ng negatibong RT-PCR na kinuha sa loob ng 72 oras ang mga darating sa Pilipinas mula sa mga bansang hindi kabilang sa red list o ang mga kabilang sa travel ban.
Isasailalim din sa limang araw na quarantine ang dumarating at muling isasalang sa swab test sa ikalimang araw ng kanilang pagdating sa bansa.
Papayagan naman silang ipagpatuloy ang kanilang 14 na araw na quarantine sa kani-kanilang bahay.