Apayao nasa Alert Level 2 na rin

ISINAILALIM na ang Apayao sa Alert Level 2 epektibo ngayong araw hanggang Disyembre 15, 2021.

Inaprubahan ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagsasailalim sa Alert Level 2 ang lalawigan dahil na rin sa pagbaba ng mga kaso ng coronavirus cases dito.

Dahil dito, umiiral na ang Alert Level 2 sa lahat ng lugar sa buong bansa.