Lumaklak ng ivermectin, nagka-Covid

MARAMING Pinoy ang tinamaan ng Covid-19 kahit umiinom pa ng ivermectin, ang gamot kontra-bulate sa hayop na ayon sa ilang politiko ay mabisa laban sa nakahahawang sakit.


“We have actually seen a number of Filipinos who got Covid-19 despite using ivermectin. In fact, not only getting infected with Covid-19 but the Covid-19 they got became really serious that they are coming to the hospital with severe case,” ayon kay Dr. Maricar Limpin, vice president ng Philippine College of Physicians.


May ilan din umanong naospital dahil sa side effects ng nasabing gamot, aniya.


Kabilang sa side effects ang pagkahilo, pagsusuka, LBM, sakit sa tiyan, pamamaga ng mukha at kasu-kasuan, biglang pagbaba ng blood pressure, at hepatitis.


“We can’t allow the health of the Filipinos to be jeopardized. As we battle Covid-19, it can’t be that we will just take any medicine that is not founded in science and which this medicine, it may even lead to more disastrous effect,” dagdag ni Limpin.