Pilita sa apong si Janine: Sampalin magtataray sa ‘yo

HINDI umano dapat paapi sa ibang artista si Janine Gutierrez.

Kaya ang payo sa kanya ng kanyang lola na si Pilita Corrales ay sampalin ang sinumang magtataray sa kanya.

Naikwento kasi ng batang aktres sa kanyang lola na may isang celebrity umano ang nagtaray sa kanya sa isang hosting event.

“There was just this one time na I was supposed to host an event. They got me because the girl they originally asked hindi siya available or parang ayaw niyang gawin. So, nu’ng nakita ako ng artista na ‘yun, ‘she was like, ‘uy ikaw na pala ang gagawa ng ganyan?’ sabi ko, ‘yeah.’ Tapos sabi niya, ‘ah, hindi ko kasi tinanggap,” chika ni Janine sa lola.

“Sinampal mo sana kaagad! Sabihin mo lang, ‘e kasi mas maganda ako kaya ako ang kinuha. Ganyan ang answer na maganda,” sagot naman ng Queen of Songs.

Pero ayon pa sa dalaga, hindi naman siya nakakatanggap ng ibang pantataray bukod dito dahil lola niya.

“Actually, wala naman akong celebrity horror story. I think they’re all nice to me because Mamita is my lola,” chika ni Janine.