INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) on Emerging Infectious Diseases ang listahan ng sektor na kabilang sa Priority Group A4 na babakunahan, ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque. Ilan sa mga kasama sa listahan na nakalinyang susunod na babakunahan ay mula sa hanay ng transportasyon, market, manufacturing, government services, hotel, education at maging ang media. Kasama din sa listahan na Priority Group A4 ay mga lider ng simbahan, security personnel sa mga industriyang gaya ng telecom, cable, internet provider, electricity at water utilities. Pasok din sa grupo ang mga empleyado sa law, justice, security, protection sectors, at mga overseas Filipino workers. Ayon kay Roque, mahigit isang milyong Filipino na ang nakatanggap ng bakuna laban sa COVID-19 mula sa Sinovac o AstraZeneca vaccine base sa datos nitong Abril 13. |