SISIMULAN sa Nobyembre 15 ang dry run ng limited face-to-face classes sa 30 paaralan.
Ayon sa Department of Education, tatlong paaralan sa Region 5, tatlo sa Region 6, walo sa Region 7, walo sa Region 9, anim sa Region 10 at dalawa sa Region 12 ang lalahok sa drug run ng limited in-person classes.
Ayon sa DepEd na may 59 pampublikong paaralan ang kasali sa pilot implementation ng face-to-face classes matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health.
Ayon kay Education Assistant Secretary Malcolm Garma posibleng madagdagan pa ito ngunit kailangan dumaan sa revalidation.
Nauna nang inihayag ng kagawaran na 100 public school at 20 pribadong paaralan ang inilista nila para sa implementasyon ng face-to-face classes.