NAGBABALA si Pangulong Duterte sa mga lokal na pamalaan na mahaharap sa kaparusahan ang mga mayor at opisyal ng barangay na mabibigong pabilisin ang pagbabakuna sa kanilang nasasakupan.
“Kaya ako sinasabi ko sa kanila either you follow us or you have to answer to Secretary (Eduardo) Año ng DILG. Siya ‘yung nagsu-supervise sa local governments,” sabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People Lunes ng gabi.
Aniya, target ng gobyerno na makapagbakuna ng 50 milyong Pinoy bago matapos ang taon.
“Ang mangyari niyan, talagang magkakaroon ka ng kaso. And bear in mind that alam mo ang kaso, even administratively, you can be dismissed. It includes dismissals from office; suspension, mga ganoon; forfeiture of pay; or outright dismissal,” dagdag pa ni Duterte.
“We also need to ramp up vaccination rate in various LGUs in order to reach our target of inoculating 50 million fully-vaccinated individuals by the end of the year. Ang plano natin is at the end of the year, 50 million sana. We cannot reach this target if we’ll — it will plateau at 400 or 500 daily jabs,” sabi pa ni Duterte.