Gladys Reyes nagluluksa sa pagpanaw ng ama

NAGLULUKSA ngayon ang veteran actress Gladys Reyes at buong pamilya nito sa pagkamatay ng kanyang ama.

“I will always be a Papa’s girl,” ayon sa post ni Gladys.

“Magkikita tayo muli sa bayang banal, Pa,” dagdag pa ng aktres.

Nagkaroon umano ng organ failure ang ama ni Gladys na naging dahilan ng pagkamatay nito. Negative naman ito sa Covid-19.

Noong Enero ay inatake sa puso ang ama ng aktres.

“Thank you Pa, I will always be a Papa’s girl! Mission accomplished.”

Nag-abot naman ng pakikiramay ang mga fans at kapwa artista sa pamilya ng aktres.