Marco Gumabao nagpaalam sa BF ni Kylie Verzosa para sa love scene

HUMINGI muna ng blessing ang aktor na si Marco Gumabao sa boyfriend ni Kylie Versoza bago ang gagawin nilang love scene ng beauty queen.

Chika ni Kylie, nagpaalam muna si Marco kay Jake Cuenca bago gawin ang love scene nilang dalawa para sa isang pelikula.

Naging magkaibigan sina Marco at Jake matapos maging magkatrabaho sa Los Bartardos noong 2018.

Sinabi ni Kylie na na-appreciate niya ang ginawa ni Marco.

Ayon pa sa aktres, natuwa si Jake sa ginawang pagpapaalam ni Marco sa kanya bago gumawa ng love scene with Kylie.

“Even Jake said tama ang ginawa ni Marco and Jake was grateful. He was the one who told me that Marco called him up. I always appreciate it that Jake supports my decisions in my career,” chika ni Kylie.