NANAWAGAN si Health Reform Advocate Dr. Tony Leachon kay Pangulong Duterte na magdeklara ng Alert Level 4 kasabay ang babala na hindi matutugunan ang pagkalat ng Omicron variant kung hindi ito gagawin.
“If we don’t arrest Omicron viral transmission ASAP eg Alert Level 4 in NCR, we stand to lose our healthcare workers to illness, burn out syndrome, or brain drain or migration to other countries,” sabi ni Leachon sa isang bukas na liham kay Duterte sa isang Twitter post.
Nauna nang sinabi ng Palasyo at ng mga mayor sa Metro Manila na wala pang dahilan para ipatupad ang Alert Level 4.
“We can’t afford this situation to happen while we are faced with this huge surge,” dagdag ni Leachon.