PATULOY ang pagtaas ng mga kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa Philippine General Hospital (PGH) kung saan umakyat na ang mga kaso sa 85 mula sa 30 noon Disyembre 25, 2021.
Sa isang panayam sa DZMM, sinabi ni PGH spokesperson Dr. Jonas del Rosario na dumoble na ang mga naoospital sa PGH dahil sa Covid-19.
“Well for the past almost six days, Nakita namin yung steady increase ng mga pasyenteng na-aadmit sa aming ospital na may Covid. Noong December 25 ang naitala, we have only 30 confirmed covid cases, pero steady ang pag-admit. After that, 68 patients a day, at sa ngayon po as of late last night we have at least 85 confirmed cases nan aka-admit, so from 30 to 85, in a matter of six days. so, nakikita naming na tumataas yung bilang ng may covid,” sabi ni del Rosario.
Idinagdag ni del Rosario na hindi naman agad-agad na maibalik ang dating kapasidad para sa mga pasyenteng tinatamaan ng Covid sa harap naman ng maraming bilang ng mga non-Covid patients.
“Sa ngayon meron kaming allocated 100 na beds, alam mo dati kasi we have at least 350 beds, pero nung wala na yung Covid, kinonvert naming into non-covid wards, kasi maraming inaadmit, ngayon, hindi pa namin basta-basta ibalik ang 300 to 325 for covid kasi puno kami ng non-covid,” aniya.