ICU sa Metro Manila halos apaw na

hospitals overflow

NASA critical level na ang occupancy rate ng mga intensive care units ng mga ospital sa Metro Manila, iniulat ngayong araw ng OCTA Research.

Sa kalatas, sinabi ng research group na 70 porsyento nang okupado ang mga ICUs bunsod ng pagsipa ng Covid-19 cases sa National Capital Region mula noong isang linggo. Ilan sa mga ospital na puno na ang mga ICUs ay ang Dr. Jose N. Rodriguez Memorial Hospital sa Tala, Caloocan, na may naka-admit na 350 pasyente ng Covid-19 at Philippine General Hospital at Lung Center of the Philippines na umaming kulang ang kanilang mga tauhan para alagaan ang mga maysakit.


Apaw na rin sa mga Covid patients ang iba pang malalaking ospital gaya ng The Medical City, St. Luke’s Medical Center, Chinese General Hospital and Medical Center, Capitol Medical Center, Quirino Memorial Medical Center, East Avenue Medical Center at Makati Medical Center.