Roque gumaling sa Covid-19

roque negative

INANUNSYO ngayon ni presidential spokesperson Harry Roque na negatibo na siya sa Covid-19 at nakumpleto na rin niya ang 14-araw na quarantine mula nang madiskubreng nadali siya ng virus.


“Nag-negative na po ako sa PCR result,” ani Roque sa press briefing.


Dagdag niya, ipakikita niya sa publiko ang sertipikasyon na natapos niya ang quarantine.
Naniniwala ang opisyal na nahawahan siya ng sa sakit sa isa mga pagbisita niya sa mga ospital.


“Kung talagang hindi kinakailangan pumunta sa ospital, di na po ako tatapak sa ospital,” ani Roque, na inulan ng batikos dahil sa pagpunta sa ibat-ibang probinsya sa gitna ng pandemya.


Matatandaang isiniwalat niya na positibo siya sa Covid-19 noong Marso 15.