Health worker na nabakunahan vs Covid-19, nasawi

TODO-tanggi ang Department of Health at Food and Drug Administration na bakuna ang ikinamatay ng health worker na naturukan kontra-Covid-19 kamakailan.

Sa kalatas, iginiit ng mga opisyal ng DOH at DFA na Covid-19 ang ikinasawi ng frontliner noong Marso 15.

“Covid-19 vaccines cannot cause Covid-19,” paliwanag ng dalawang ahensya.

Hindi naman kinilala ang nasawi at hindi rin sinabi kung anong brand ng bakuna ang ibinigay rito.