Pekeng tauhan ni Go nangikil, kalaboso

HIMAS-rehas ang lalaking nagpanggap na tauhan ni Sen. Bong Go makaraan nitong kikilan ang chief of staff ni San Jose, Batangas Mayor Valentino Patron.

Nasakote si Arnel Sequijor, 35, sa Brgy. Pinagtungulan, San Juan, Batangas sa entrapment operation ng pulisya. Nakuha sa kanya ang isang kalibre .45 pistola.

Ayon sa chief of staff ni Patron na si Normita Recinto, tumawag at nag-text sa kanya si Sequijor, na nagpakilala namang chief of staff ni Go, at nanghihingi ng P50,000 kaya agad siyang humingi ng tulong sa pulisya.

Hindi naman maliwanag sa ulat kung para saan ang hinihinging pera ng suspek.