ILANG araw makaraang dumugin ang mga groceries at supermarkets sa Metro Manila, tila ghost town na ngayon ang mga ito dahil halos wala nang namimili.
Sa simula ng pinakistriktong lockdown status na enhanced community quarantine kahapon, paisa-isa na lamang umano ang pumapasok sa mga groceries at supermarkets, ani Philippine Amalgamated Supermarkets Association president Steven Cua.
“(Marami ang mga kostumer sa) mga supermarket the past few days, pero as of yesterday, ghost town,” ayon kay Cua.
Bago ipinairal sa National Capital Region ang ECQ noong Biyernes ay dinumog ng publiko ang mga groceries at supermarkets para paghandaan ang lockdown.