INAPRUBAHAN ng national pandemic task force ang kahilingan ng transport sector na itaas ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan.
Ito ang sinabi ngayon ng Malacanang, kasabay ang anunsyo na simula sa Nobyembre 4 ay itataas sa 70 percent ang passenger capacity ng mga pampublikong sasakyan mula sa kasalukuyang 50 percent.
Mula sa 70 percent ay itutuloy hanggang 100 percent ang seating capacity hindi lamang sa bus at jeep kundi sa mga tren.
Una nang sinabi ng Department of Transportation na dapat nang ibalik sa 100 percent ang passenger capacity sa mga pampublikong sasakyan ngayon na patuloy ang pagbaba ng kaso ng COVID-19, at upang tuluyan nang makapagbukas ang ekonomiya ng bansa.