Pacquiao pabor na i-drug test mga kandidato

WALANG nakikita mali si presidential aspirant Senador Manny Pacquiao sa panukala na i-drug test ang mga political candidate para matiyak na drug-free ang mga ito.

Ito ay matapos ang proposal ng media personality at senatorial candidate na si Raffy Tulfo sa Commission on Elections (Comelec) na i-drug test ang mga kandidato.

“Agree ako dapat ipakita natin na malinis tayo dapat bago magstart ang campaigning dapat magpa drug test kaming lahat,” ayon kay Pacquiao.

Samantala, handa rin si Pacquiao para sa face-to-face debate ng mga kandidato.