NAGPOSITIBO sa Covid-19 si dating pangulo at ngayon ay Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Kinumpirma ng chief of staff ni Arroyo na si Erwin Krishna Santos na nagpositibo sa antigen test noong Hulyo 15 ang dating pangulo at agad na nag-quarantine at nasa pangangalaga ni Dr. Martha Nucum, na siyang head ng medical team nang manatili sa Veterans Memorial Medical Center.
Idinagdag ni Santos na hindi makadadalo si Arroyo sa kauna-unahang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Bongbong Marcos.
“An RT-PCR test conducted last Saturday, July 22, showed the Pampanga legislator to still Covid-19 positive. Therefore, Santos said, the former head of state will not attend the SONA,” ayon pa kag Santos.