HINDI ka na ba makapaghintay at excited nang muling balikan ang Baguio City?
Kung fully vaccinated ka na, pwedeng-pwede ka nang bumisita sa City of Pines.
Narito ang paraan para makatungtong muli sa Baguio City:
Mag-create ng account sa pamamagitan ng pag-register sa visita.baguio.gov.ph. Kailangan lang dito ay isang valid ID.
Sa account na bubuksan, kailangan tukuyin kung kailan balak magtungo sa Baguio, at least isang araw bago ang aktwal na pagbisita.
Limitado lamang sa 2,000 katao ang papayagan na makapasok sa syudad at nakabase sa Expected Time of Arrival (ETA) system.
Ang travel request ay aaprubahan lamang matapos ang beripikasyon ng booking sa accommodation establishment.
“Travel only once (QR-coded Tourist Pass) QTP is issued; registration upon arrival is not allowed, strictly no QTP no entry!” ayon sa advisory.
Kailangan i-upload ng bibisita ang kanilang vaccination cards at certificates na nagpapatunay na fully vaccinated na sila — ibig sabihin natanggap ang ikalawang dose dalawang linggo mahigit bago ang pagbisita.
Sa mga unvaccinated o partially vaccinated minors aged 12 to 17 ay kailangan magpakita ng negative result ng Antigen or RT-PCR test 72 oras bago ang arrival sa Baguio City.