Arjo Atayde tatakbo dahil sa ABS-CBN

INAMIN ni Sylvia Sanchez na isa sa mga dahilan ng pagpasok sa politika ng anak na si Arjo Atayde ay para muling mabigyan ng prankisa ang ABS-CBN.

Sa isang panayam, sinabi ni Sylvia na nalungkot at nagalit si Arjo nang mawalan ng trabaho ang marami niyang kasamahan nang magsara ang network giant.

“Yes, because of ABS. Isa ‘yan sa reasons. Nanahimik na siya nun. Hanggang nang magsara ang ABS. Dun talaga,” ayon sa aktres.

“Dun siya nalungkot, nagalit, nalungkot siya sa lahat ng Kapamilya. Sa mga kaibigan sa loob, mga pamilya, lahat-lahat, natanggalan ng trabaho tapos pandemic pa. Yun talaga ang isa sa pinakarason niya,” dagdag niya.

Sinabi rin ng aktres na kontra siya sa pagtakbo ni Arjo bilang congressman, pero susuportahan niya ito dahil sa layon nito na tulungan ang mga katrabaho sa network.

“Anak ko ‘yan, e. Wala akong magawa kundi suportahan na lang ang anak ko,” dagdag niya.