PWEDE na ring magpa-booster shot ang lahat ng fully vaccinated na Filipino na may edad 18 pataas simula Biyernes, Disyembre 3, 2021, ayon sa Department of Health.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maari nang magpabakuna ang mga eligible essential workers at indigent population kasabay ang mga senior citizens, healthcare workers at mga immunocompromised individuals.
Ginawa ng pahalaan ang anunsyo matapos aprubahan ng Food and Drug Administration ang emergency use authorization (EUA) para sa Pfizer, Moderna, and AstraZeneca na gagamitin bilang booster shot sa mga may edad 18 pataas.
Sa anunsyo, lahat ng mga nakakumpleto na ng kanilang bakuna (Sinovac, AstraZeneca, Pfizer, at Moderna) ay maari nang mabigyan ng booster ng kaparehang brand na naibigay sa kanila anim na buwan makalipas ang dalawang doses.
Sila naman na nabigyan ng Gamaleya Sputnik V vaccine ay maaaring mamili sa pagitan ng AstraZeneca, Pfizer, at Moderna.