Billie Ellish: PETA’s 2021 Person of the Year

KINILALA ng People for the Ethical Treatment of Animals (PETA) bilang 2021 Person of the Year ang Grammy Award winner na si Billie Eilish.

Ayon sa PETA, ang pagkilala ay bunsod ng adbokasiya ng singer na nagbibigay proteksyon sa mga hayop at pagsusulong ng cruelty-free fashion.

Si Ellish na isang vegan, ang pinakabatang nabigyan ng karangalan ng PETA.

“I just can’t go on in my life knowing what’s going on in the animal world and not doing anything about it,” nauna nang nabanggit ng singer.