FDA: Aprubadong bakuna mabisa kontra Delta variant

HINIKAYAT ni Food and Drug Administration (FDA) director-general Eric Domingo ang publiko na magpabakuna para maprotektahan sa mas nakahahawang Delta variant ng Covid-19.


Paliwanag ni Domingo na lahat ng aprubadong bakuna ay mabisa laban sa Delta strain kahit pa iba-iba ang efficacy level ng mga ito.


Ang bakuna ng Pfizer ay mayroong 88 porsyentong efficacy rate kontra Delta strain; Moderna at Johnson & Johnson, 80 porsyento; at AstraZeneca, 66 porsyento.


Wala pang resulta ang ginagawang pag-aaral ng Sinovac at Sinopharm.


“There’s a decreasing efficacy as we get more mutations but hindi naman po nawawala ang bisa ng bakuna. It’s still a useful vaccine,” ani Domingo.


Samantala, iniulat na mahigit 600 medical workers sa Thailand na nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna ng Sinovac ang naospital dahil sa Covid-19.


Sa Indonesia, milyon-milyon na rin na mga health workers ang nabigyan ng kaparehong bakuna at libo-libo sa mga ito ang nagpositibo sa nasabing sakit.